Legarda, tiniyak na magpapatuloy ang livelihood assistance sa Nueva Ecija

Legarda, tiniyak na magpapatuloy ang livelihood assistance sa Nueva Ecija

BINISITA ni senatorial candidate Loren Legarda ang Nueva Ecija at tiniyak nito sa mga residente ang agricultural and livelihood assistance para sa probinsya kung manalo ito sa Senado.

Ayon kay Legarda, sa ilang beses nitong pagtakbo sa Senado simula 1998 ay kahit kailan hindi siya binigo ng mga taga Nueva Ecija kung kaya’t sinisiguro niya na hinding hindi niya bibiguin ang probinsya.

Sa kalagitnaan ng kanyang termino bilang Chairperson of the Senate Committee on Finance, naglaan si Legarda ng pondo sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa probisyon ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).

Naglaan din ito ng pondo para sa DOLE Pangkabuhayan Program para sa provincial government ng Nueva Ecija.

Follow SMNI NEWS in Twitter