SAKOP ng PhilHealth benefit package ang hospitalization ng dengue at leptospirosis.
Sa pahayag ng state health insurer, nasa P13-K at P16-K ang dengue fever at dengue hemorrhagic benefit packages habang P14.3-K ang para sa leptospirosis.
Available anila ang benefit packages na ito buong taon basta’t pumunta lang sa accredited health facilities.
Samantala, bagamat hindi pa epektibo ay sinabi ng PhilHealth na tataasan na nila ang benefit package ng dengue hemorrhagic fever.
Mula P16-K ay magiging P47-K na ito.