INAPRUBAHAN ng Food and Drug Administration (FDA) ang isang gamot sa Alzheimer na nagpakita sa mga clinical trial ng pagbagal sa pagbaba ng cognitive ng mga pasyente sa mga unang yugto ng sakit sa memorya.
Sinabi ng ahensya na ang desisyon nito ay batay sa isang mid-stage trial ng 856 na mga pasyente na may Alzheimer’s Disease.
Noong huling bahagi ng Setyembre, ang Eisai at Biogen, ang mga kumpanyang bumuo ng gamot, ay nag-anunsyo na ang isang phase 3 clinical trial sa 1,795 na mga pasyente, nadiskubre na ang Leqembi ay nagpabagal ng 27% cognitive decline ng mga taong nakatanggap nito pagkatapos ng 18 buwan.
Ang Alzheimer ay ang ikapitong nangungunang sanhi ng pagkamatay sa Estados Unidos, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention.
Karamihan sa mga gamot na inaprubahan ng FDA para sa Alzheimer ay naglalayong tumulong sa mga sintomas, at hindi talaga nagpapabagal sa pag-unlad ng sakit.
Ayon sa mga eksperto, ang gamot ay hindi isang lunas, kundi tumutulong ito sa pagpapabagal ng pagkalat at paglubha ng Alzheimer’s Disease.