NAGPALABAS ng Executive Order (EO) ang Lalawigan ng Apayao na magbibigay ng cash reward sa sinumang makahuli o makapatay sa miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) mula sa legitimate military operations.
Nakasaad sa kautusan na bibigyan ng P100,000 reward ang sinumang makahuli o makapatay sa miyembro ng CTG habang P1,000,000 sa makahuli at makapatay sa high-ranking CTG personality.
Ang nasabing kautusan ay binabase sa Article II of Philippine Constitution kung saan pangunahing tungkulin ng gobyerno na protektahan at serbisyuhan ang publiko.
Hakbang ito ng LGU, matapos ang pananambang ng mga rebelde sa mga sundalong nagsasagawa ng Humanitarian Mission sa Barangay Gacab, Malibcong, Abra.