KINILALA bilang Best Highly-Urbanized City sa buong bansa ang LGU ng Caloocan City sa ilalim ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) and Humanitarian Assistance programs nito.
Pinangunahan ng Office of Civil Defense-National Disaster Risk Reduction and Management Council (OCD-NDRRMC) ang pagsuri sa kakayanan ng lungsod sa panahon ng krisis at kalamidad.
Kabilang naman sa mga hinangaan na programa ng lungsod ang pagtatayo ng mga Alert and Monitoring Stations sa iba’t ibang bahagi ng lungsod at ang emergency hotline na 888-ALONG.
Ayon kay Mayor Along, ang pagtanggap ng nasabing parangal ay malaking bagay sa hangarin nitong maging leading local government unit pagdating sa DRRM.
“Isang malaking karangalan na tanggapin mula mismo kay Pangulong Bongbong Marcos ang pagkilala bilang numero uno sa buong Pilipinas pagdating sa pagtugon sa mga sakuna at kalamidad,” saad ni Mayor Along Malapitan, Caloocan City.