LGU La Libertad at gobyerno, tumulong sa pamilya ng napatay na NPA

LGU La Libertad at gobyerno, tumulong sa pamilya ng napatay na NPA

TUMULONG ang Pamahalaang Lokal ng La Libertad, sa pangunguna ni Hon. Emmanuel Iway, Municipal Mayor sa pamilya ni Rolito Tanillo, alyas “Roy/Gamatoy,” isang miyembro ng Sangay Yunit Pampropaganda (SYP) Squad, CN1 (D), KR-NCBS, na nasawi sa engkwentro laban sa tropa ng 62nd Infantry “Unifier” Battalion (62IB) sa Crossing Lansang, Barangay Talaon, La Libertad, Negros Oriental noong Pebrero 10, 2025.

Ang labi ni Tanillo ay sinuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) at kinuha ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng La Libertad katuwang ang 62IB at La Libertad Municipal Police Station. Matapos nito, dinala ang kanyang mga labi sa Infirmary Hospital La Libertad, kung saan ito ay tinanggap ni Hon. Mariel M. Senicolas, Punong Barangay ng Barangay Talaon.

Mariing kinokondena ng pamahalaan ang ganitong mga pangyayari, kung saan isa na namang buhay ang nasayang dahil sa panlilinlang at kasakiman ng mga lider ng Communist NPA Terrorists (CNT). Patunay ito ng kanilang patuloy na paggamit ng maling ideolohiya na pumipigil sa pag-unlad ng ating bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni Lieutenant Colonel Evelio C. Ilanga III, Commanding Officer ng 62IB:

“Ipinaaabot namin ang aming taos-pusong pakikiramay sa pamilya ni Tanillo. Hindi namin nais ang ganitong mga pangyayari, ngunit hindi maiiwasan na may mga buhay na nagwawakas dahil sa maling paniniwala. Hinihikayat ko ang mga natitira pang miyembro ng Central Negros 1 (CN1) na sumuko at magbalik-loob sa ating gobyerno bago mahuli ang lahat.”

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Β 62𝒏𝒅 π‘°π’π’‡π’‚π’π’•π’“π’š “π‘Όπ’π’Šπ’‡π’Šπ’†π’“” π‘©π’‚π’•π’•π’‚π’π’Šπ’π’ Facebook Page.

Follow SMNI NEWS on Twitter