LGU na magbebenta ng murang NFA rice kailangan ng COMELEC clearance

LGU na magbebenta ng murang NFA rice kailangan ng COMELEC clearance

INIHAYAG ng Commission on Elections (COMELEC) na kailangan munang humingi ng pahintulot ang isang local government bago ito magbenta ng abot-kayang bigas mula sa National Food Authority (NFA).

Partikular na abiso ito ng poll body ngayong nasa campaign period ang bansa para sa midterm elections.

Sa kanilang paliwanag, hindi sila salungat sa pagbebenta o pamimigay ng mga bigas mula sa NFA ngunit kailangan muna itong magkaroon ng clearance bilang social service.

Sa naturang paraan anila ay hindi ito magagamit ng isang tumatakbong politiko para mai-promote ang kaniyang kandidatura.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble