LGU na walang medical help desk sa araw ng halalan, may karampatang parusa – DILG

LGU na walang medical help desk sa araw ng halalan, may karampatang parusa – DILG

STRIKTONG ipatutupad ang isolation polling place o medical help desk sa araw ng halalan.

Ayon ito kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Epimaco Densing III sa panayam ng SMNI News.

Layunin nito na maihiwalay ang isang indibidwal sa karamihan, sakaling may nararanasang sintomas ng COVID-19 sa araw ng eleksyon.

Ayon kay Densing, bagamat matagal nang napirmahan ang panuntunang ito, magiging mahigpit na sila sa pagpatutupad nito.

Lalo pa aniya na hindi na sumusunod sa tamang protocol ang mga kandidatong nangangampanya na syang ikinatatakot na dahilan ng panibagong COVID-19 surge.

May mandato rin ang mga LGU-based hospitals na maging alerto at bukas sa araw ng halalan.

Ipinaalala rin ni Densing sa mga politiko na hindi sana gamitin ang isolation polling place o medical help desk sa pamumulitika.