Tuloy-tuloy lang ang handog pangkalusugan program ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas para sa residente nito.
Sa ilalim ng Health and Wellness Caravan, tinutungo ng grupo mula sa pamahalaan ang mga brgy. para ilapit ang mga programang pangkalusugan sa mga nasasakupan nito.
Sa katunayan ngayong darating na November 5, inaanyayahan ang lahat na magtungo sa Aguilar Sports Complex, Brgy. Pilar Village para sa libreng serbisyong medikal hatid ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas.
Ang programang ito ng City Health Office – Las Piñas ay mula sa direktiba nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar at eksklusibo para sa mga Las Piñero.