LGUs, hinikayat na pangunahan ang search-and-destroy operations vs. dengue

LGUs, hinikayat na pangunahan ang search-and-destroy operations vs. dengue

HINIHIKAYAT ng Department of Health (DOH) ang lahat na local government units (LGU) na pangunahan ang search-and-destroy operations laban sa mga breeding ground ng dengue.

Itoy dahil nagkaroon ng pagtaas ng dengue cases sa bansa simula noong buwan ng Enero.

Sa datos, nasa 77,867 na ang kaso ng sakit habang 205 ang nasawi.

Katumbas ito ng 15 percent na pagtaas kumpara sa kaparehong panahon noong 2023.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble