LGUs, hinimok ng DILG na mag-isip ng paraan sa paglaban sa epekto ng El Niño

LGUs, hinimok ng DILG na mag-isip ng paraan sa paglaban sa epekto ng El Niño

PERSONAL na hinimok ni Interior Secretary Benhur Abalos, Jr. ang lahat ng local government unit (LGUs) sa bansa na pangunahan ang pag-iisip ng mga programa laban sa epekto ng El Niño.

Ilan sa mga ito ang information drive campaign kaugnay sa posibleng epekto ng El Niño sa kapaligiran, mga komunidad at mga nasasakupan nito.

Kasama rito ang pakikipag-ugnayan ng mga local chief executives sa mga water  concessionaire para sa tamang oras at araw ng pagsuplay ng tubig, pagsasaayos sa water leaks, at maging sa tamang pag-iimbak ng mga pagkain sa mga kabahayan.

Pinayuhan din ang mga mayor sa bansa na makipagtulungan sa Department of Agriculture para sa kinakailangang ayuda sa irigasyon, cloud seeding para sa mga maaapektuhang pananim o pangunahing pagkain ng mga nasasakupan nito.

Dapat din aniyang tingnan ang paraan ng mga pagtatanim ng mga pananim na kayang labanan ang sobrang init na panahon at makatulong sa pang araw-araw na konsumo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter