LGUs, pinaalalahanan sa road clearing operations na magtatapos sa Enero 15

PINAALALAHANAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan sa kanilang 60-day deadline sa road clearing operations na magtatapos na sa Enero 15.

Ani DILG spokesperson Jonathan Malaya, gayung tapos na ang holiday season inaasahan nilang sinisimulan nang muli ng local government units (LGUs) ang pagkakasa ng nationawide road clearing operations 2.0 (RCO 2.0) sa kani-kanilang mga lugar.

Giit ni Malaya, dapat seryosohin ang road clearing upang magkaroon ng mas maluwag na lansangan para na rin sa kapakanan ng publiko.

Magugunitang sa ilalim ng DILG Memorandum Circular (MC) No.2020-145, inatasan ang mga LGU na nasa Modified Community Quarantine na matapos ang full implementation ng RCO bago ang Enero 15 habang ang mga nasa General Community Quarantine naman ay inaasahang nakapagsagawa ng partial implementation.

Suspendido naman ang road clearing operations sa MECG at ECQ areas.

Pagbibigay-diin naman ni Malaya sa mga opisyal na bagama’t ang deadline ay matatapos na sa Enero 15 ay kinakailangan pa rin ang year-round activities kaugnay nito upang mapanatili ang kaayusan ng mga lansangan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.