LGUs, pinaghahanda sa baha at iba’t-ibang uri ng sakit ngayong tag-ulan

LGUs, pinaghahanda sa baha at iba’t-ibang uri ng sakit ngayong tag-ulan

SA pagsisimula ng tag-ulan, hinihikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units (LGUs) na isama ang COVID health safety protocols sa pagsusuri nila ng kanilang mga Local Disaster Risk Reduction and Management (LDRRM) plans sa nagpatuloy na pandemya ng COVID-19.

 

 “Mas mabigat ang tungkulin ng ating mga LGUs dahil ngayon lang mangyayari na may sama ng panahon sa gitna ng patuloy na pagsugpo sa COVID-19,” ayon kay DILG Usec. Jonathan Malaya.

 

Pinaalalahanan ni Malaya ang mga LGUs na magsagawa ng mga pagkilos na tutugon sa mga likas na sakuna, na inirerekomenda ng Operation Listo manual, isang advocacy program ng kagawaran na naglalayong palakasin ang paghahanda sa sakuna ng mga lalawigan, lungsod, bayan, at mga barangay sa pamamagitan ng paggawa ng minimum na mga aksyon bilang paghahanda para sa mga tag-ulan o bagyo.

 

Sa Muntinlupa City, nagsimula na silang magsagawa ng regular na  de-clogging lalo na sa mga kanal at ilog na sumasakop sa lungsod na karaniwan ding sanhi ng kadalasang pagbaha ng kanilang lugar.

 

“Aside from the health protocols na naka-ready na lahat ang aming task force sa CDRRMO, health SSDMO and all the barangay. Mayroon po tayong ginagawa regularly,” ayon kay PIO Chief Tess Navarro ng Muntinlupa City.

 

Isinasagawa ito ng city engineering ang regular drainage and de-clogging area ng mga drainage at sa citywide drainage.

 

Bukod dito, nagkabit na din ng mga sirena para sa buong lungsod na nagagamit sa pangkalahatang pagpapaabot ng napapanahong impormasyong pangkalamidad sa nasasakupan nito.

 

“Our CDRRMO led by Engineer Erwin Alfonso, ay nagkaroon na po kami ng installation ng dalawang weather stations that’s in District 1 in Tunasa and District 2 in Sucat, ito po’y nagmo-monitor ng masamang panahon kung may dating na bagyo o monsoon rains lang is cascades down to the barangay,” ayon kay Navarro.

 

Habang sa Las Piñas City naman, agad na nakipag-ugnayan ang lungsod sa incident management team para sa nalalapit na pagpasok ng tag-ulan sa bansa.

 

“Naka-integrate na po sa Incident Management Team namin ang pre-disaster assessment for rainy days to come,” pahayag ni Rey Balagulan, City Administrator ng Las Piñas.

 

Samantala, nagpalabas na din ng kanilang plano ang Lungsod ng Pasay kaugnay sa kautusan ng DILG na gawing prayoridad ang pagtukoy sa mga posibleng maapektuhan ng tag-ulan.

 

Ayon kay Dr. Boyet Maranan ng Pasay DRMMO, nakahanda na sila sakaling magtuloy-tuloy na pag-uulan sa bansa.

 

  1. a) 24/7 Standby Response Teams with 2 Shifts at Incident Command Post (ICP) located at Pasay Sports Complex

 

  1. b) Inventory of Flood Equipment (Lifevest, Rope, Ringbouy, Fiber Boats with Outboard Motors)

 

  1. c) Installed Rain Gauge at ICP

 

  1. d) Info dissemination on Flood Safety tips thru PIO ie Dapat Alam Natin! Tarpaulin on Weather Classification, Typhoon Signals, Thunderstorm advisory and Flood Monitoring

 

  1. e) Checking of available Flood Evacuation Centers for Flood Prone Areas

 

  1. f) Continuous monitoring on Weather Forecast of PAGASA

 

Muling iginiit ng DILG na kailangang kumilos ang mga LDRRM Councils ng mga LGU na magsagawa ng kanilang sariling pre-disaster risk assessment at simulan na ang lahat ng kinakailangang logistical preparations ng may lubos na pagsasaalang-alang sa mga panganib sa kalusugan dala ng coronavirus.

 

Inaatasan ang mga LGUs na magpulong at suriin ang kani-kanilang mga LDRRM plans at i-update ang kanilang mga tugon nang naaayon sa mga minimum health standards at infection prevention protocols na itinakda ng Department of Health (DOH).

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.