MISMONG ang local government units (LGUs) ang susi para mapabilis ang pamamahagi ng fuel subsidies sa libu-libong mga tricycle drivers sa buong bansa.
Ito ang napagkasunduan nina Sen. Alan Peter Cayetano at DOTr Sec. Jaime Bautista matapos napag-alaman na aabot pa sa P2.5-B na halaga ng subsidy ang nakatakda pang ipamahagi.
Sa 600-k na kwalipikadong benepisyaryo ng subsidiya, 6-k pa lang ang nakatanggap ng ayuda.
Ayon kay Cayetano, nararapat na madaliin ang pamamahagi dahil isa rin ang mga ito sa lubos na apektado sa tumataas na presyo ng petrolyo at mga pangunahing bilihin.