Lia ng ITZY, balik group activities na matapos ang health related hiatus

Lia ng ITZY, balik group activities na matapos ang health related hiatus

KASAMA na muli sa group activities ng South Korean girl group na ITZY ang kanilang main vocalist na si Lia.

Sa anunsiyo ng talent agency nito na JYP Entertainment, bumubuti na ang kalagayan ng singer matapos ang 10 buwan na pagpapahinga kung kaya’t back to work na ito.

Bago ang hiatus ng nabanggit na artist ay ibinahagi nito na nakararanas siya ng anxiety.

Samantala, ilang oras bago ilabas ang pahayag na ito ng JYP, nagsagawa na ng live broadcast ang ITZY para sa kanilang 5th anniversary kasama si Lia.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble