MULING binanatan ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ang libel convict CEO na si Maria Ressa ng least trusted media sa bansa na Rappler.
“You are the least-trusted. Tingnan mo ang mga comments, lahat ayaw sa’yo. Hindi ninyo nababasa ang mga comments ng bansang Pilipinas? Nalungkot ba sila na ikaw ay isasara? Nagbubunyi, nagpipiyesta na mawawala na kayo sa pamamahayag na hindi tama. So, i-fact-check mo itong mga sinasabi mo, kabaliktaran ‘to eh. You are the one who lose everything, not us… We lost a termite, we lost a headache, and we lost someone that gives us kabag everyday,” pahayag ni Pastor Apollo.
Batikos ang inabot ni Maria Ressa, ang libel convict CEO ng least trusted media na Rappler matapos itong magmatigas sa ginawang pag-uphold ng Court of Appeals sa naunang desisyon ng Manila Regional Trial Court kaugnay sa kasong cyber libel.
Ayon sa nasabing korte, si Ressa at ang dating writer nito na si Reynaldo Santos, Jr. ay guilty sa isinampang cyber libel case ng businessman na si William Keng.
Pero para kay Maria Ressa, ang lahat ng ito ay hindi makatarungan at puro kasinungalingan lamang na bahagi aniya ng panggigipit ng pamahalaan.
Giit pa niya na mas marami ang mawawala sa mga Pilipino kaysa sa kanya kung siya ay unjustly o ‘di makatarungang makukulong.
Pero para kay Pastor Apollo C. Quiboloy dumaan sa tamang due process ang kaso ni Ressa.
Nakakuha ng abogado aniya si Ressa para ipagtanggol ang sarili pero ‘yun nga lang ay bigo itong manalo sa kaso, at mas lalo pang nadiin ang pagkakamali matapos palpak ang apela nito na makuha ang pabor ng Court of Appeals.
“Tapos na Court of Appeals ka. You went thru the process tapos di tinanggap ang appeal mo ‘yung appeal mo dinismiss. So inuphold nila ang conviction mo as a cyber liber criminal. Unjustly? Saan dun ang unjustly? Nagpa-fact check ka pero di mo ma fact check sarili mo. Pinapalabas mo pa sa abroad na ang umaapi-api sayo ay ang gobyerno. Di ba kasinungalingan’ yun Maria Ressa? Hindi mo nga na mention si William Keng na nagdemanda sa ‘yo,” ayon pa sa butihing Pastor.
Ang pagmamayabang naman ni Ressa na mas marami ang mawawala sa mga Pilipino kung siya ay ‘di makatarungang makukulong ay hindi rin pinalampas ni Pastor Apollo.
“Filipino citizens sabi mo “lose far more than I do ” Ha? Really? Seriously? What will we lose if you go to jail Maria Ressa? What will we lose if you go to Jail, Maria Ressa? What will we lose? What we’ll lose is the biggest termite of the pillar of our democracy that you are thrashing everywhere. That is what we will lose. A mother termite that gnaws the pillar of our democratic system by being biased in your fake news,” ani pa ni Pastor Apollo.
Sinabi rin ni Pastor Apollo na binubulag ni Ressa ang mga tao, lalo na ang mga nasa abroad, sa pamamagitan ng kanyang mga mapanlinlang na mga pahayag na inaapi-api aniya siya ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagkitil sa kalayaan ng pamamahayag.
Giit din ni Pastor Apollo na ginagamit lamang ni Ressa ang foreign funded online news site na Rappler upang sirain ang mismong imahe ng Pilipinas.
“Kahit ikaw pa, kahit foreign funded ka. So’ wag mo nang linlangin ang mga Pilipino sa mga statements mo. ‘Wag mo nang ipagmatuwid ang sarili mo sapagkat harapin mo na ang katotohanan na itong Rappler kung iyong napansin nakita ng Pilipinas. It is a media for demolition. It is not a media for nation building. It is a media in the Philippines that demolishes the image of our nation,” dagdag ng butihing Pastor.