Liberal Democratic Party, nakuha ang landslide victory sa Parliamentary Election sa Japan

Liberal Democratic Party, nakuha ang landslide victory sa Parliamentary Election sa Japan

NAGKAROON ng landslide victory ang Liberal Democratic party ng Japan sa ginanap na Parliamentary Election kasunod ng pagkapaslang kay Prime Minister Shinzo Abe.

Naitaas ng Liberal Democratic Party at ng Junior Coalition Partner nitong Komeito ang kanilang chamber seat sa bilang na 146.

Dahil rito, inaasahang mamumuno sa bansa si Prime Minister Fumio Kishida nang walang interapsyon hanggang sa naka-iskedyul na eleksyon sa taong 2025.

Posible na rin umanong maisulong ngayon ang charter change sa Japan.

Ito ay dahil dalawang opposition party sa bansa ang sumusuporta sa charter change.

Masaya naman si Kishida sa pagkapanalong ito ng partido pero hindi pa rin ngumingiti sa harap ng publiko kasunod ng pagkasawi ni dating Prime Minister Shinzo Abe.

Follow SMNI News on Twitter