Liberal Party, nangungumbinsi na ng ilang senador, mayor, para sumanib sa oposisyon

Liberal Party, nangungumbinsi na ng ilang senador, mayor, para sumanib sa oposisyon

PARA mapabagsak ang nakaupong administrasyon ay inamin ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan, Presidente ng Liberal Party na meron na silang ginagawang inisyatiba para kumbinsihin ang mga pulitiko gaya ng mga senador at alkalde na umanib sa oposisyon.

Inamin ni Senator Pangilinan na gumagawa na ang Liberal Party ng paraan para hikayatin ang ilang mga senador at alkalde na makiisa sa oposisyon  upang pabagsakin ang Duterte Administration sa darating na halalan.

Ayon kay Pangilinan na siyang presidente ng LP, meron ng mga inisyatibo ang partido para makausap sina Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson, Senator Joel Villanueva,  Senator Nancy Binay at maging si Manila City Mayor Isko Moreno.

Ang ilang mga nabanggit na pulitiko ay kampi raw sa administration pero para sa LP President hindi na ito malaking bagay ngayon para sa inaasam nilang pakikipagkaisa para pabagsakin ang Administrasyon sa ilalim ng leadership ni Vice President Leni Robredo.

Kung may presidential bet na ang LP ay sinabi naman ng senador na wala pa silang napipisil o napag-uusapan na ii-endorso para sa pagkabise presidente.

Sinabi naman ng senador na patuloy na lumalaki ang bilang ng mga myembro ng Liberal Party.

Sa ngayon aniya ay nasa 5,000 na ang kanilang members pero target daw nila na magkaroon ng mahigit 70, 000 na mga bagong myembro.

Ibinida rin nito na sa kabila ng pandemya ay patuloy na nadaragdagan ang kanilang mga chapters.

Ayon kay Pangilinan, mula 160 chapters ay umakyat sa 400 ang kanilang branch sa kabila ng pademya.

SMNI NEWS