Liberal Party President, pabor na hindi isaprayoridad ang Cha-cha

Liberal Party President, pabor na hindi isaprayoridad ang Cha-cha

PABOR si Liberal Party President at Albay Rep. Edcel Lagman sa hakbang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na hindi isaprayoridad ang Charter change o Cha-cha.

At umaasa si Lagman na paninindigan ng Pangulo ang kanyang pasya na hindi unahin ang pagbago sa Saligang Batas.

Pabor din si Lagman sa tinuran ni Pangulong Marcos na papasok pa rin sa bansa ang foreign investments kahit hindi na amyendahan ang konstitusyon.

Para kay Lagman, hindi napapanahon ang Cha-cha pati na ang pagtuon ng Kongreso ng atensyon dito dahil hindi ito ang solusyon sa mataas na inflation rate.

Pati na sa problema ng bansa sa kahirapan, food security at iba pang hamon.

‘’I hope President Marcos will remain steadfast in his position that amending the 1987 Constitution is not in the administration’s priority agenda,’’ ani Lagman.

Follow SMNI NEWS in Twitter