Libo-Libong OFWs, nanganganib na mawalan ng trabaho sa Hong Kong

Libo-Libong OFWs, nanganganib na mawalan ng trabaho sa Hong Kong

POSIBLENG kakanselahin ng mga  employer ang mga kontrata ng libo-libong  overseas Filipino workers (OFWs) kung matatagalan pa itong bumalik sa Hong Kong.

 

Ito ang babala ni Alfredo Palmiery, presidente ng Society of Hong Kong Recruiters Accredited to the Philippines o SHARP sa isang exclusive interview sa SMNI News Channel.

 

Ayon kay Palmiery, pinangambahan ng kanilang mga ahensya na posibleng hindi na makababalik sa kani-kanilang mga employer ang mga OFW sa Hong Kong kung matagal pa silang mananatili dito sa Pilipinas.

 

“Mayroong posibilidad na ‘yung mga employer dahil nga sa tagal ng paghihintatay ay maaaring magdesisyon na kanselahin na ang kontrata, kaya nga ang pakiusap namin sa POEA at OWWA na bigyan priority itong mga workers na papuntang Hong Kong dahilan sa natatakot na nga ‘yun na nga sinabi mo na baka ma-cancel ang kontrata baka mapaso ang visa,” pahayag ni Palmiery.

 

Bagama’t  unti-unti nang nakakaalis pabalik ng Hong Kong ang mga OFW na may mga kontrata sa 12, 000 Pinoy na dapat nang makaalis  papuntang Hong Kong tinatayang nasa 10K pang Pinoy workers ang nakatenga pa sa Pinas dahil sa kahirapan ng transportasyon.

 

Nilinaw din ni Palmiery na marami sa mga domestic workers ang magbabalik  sa Hong Kong ang nasa kani-kanila pang probinsya na nahihirapan na magproseso ng kanilang mga dokumento.

 

“Plus ang dagdag pa ngang problema ang POEA ginigipit pa rin ang capacity kaya hindi mabilis ang pagpoproseso ng mga dokumento plus may iba pang mga documentary requirements na hindi pa available tulad ng mga  assessment sa TESDA at training sa mga training center, yung iba mag-a-attend pa ng OWWA seminar ,” ayon pa kay Palmiery.

 

Sa ngayon tinatayang nasa mahigit 200 libong OFWs ang kasalukuyan na nasa Hong Kong.

 

Bukod sa mga  mahihigpit na requirements ay dadaan din sa 14-day mandatory quarantine ang bawat Pinoy na darating sa Hong Kong.

 

Kaugnay nito ay aminado ang pinuno ng SHARP na malaking dagok ang epekto ng pandemya sa kanilang sektor.

 

Tinatayang nasa 35 percent ang kalugian ng  sektor ng recruitment agencies patungong Hong Kong   simula nang tumama ang COVID-19  pandemic.

 

Aniya, hindi lamang ang mga overseas Filipino worker ang naapektuhan dulot ng krisis lalo na’t nakararanas ng lockdown ang iba’t- ibang mga bansa dulot ng pandemic.

 

CHERRY LIGHT

Leave a Reply

Your email address will not be published.