NANAWAGAN si Ako-Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin sa mga taga Philippine Association of National Advertisers, Advertising Board of the Philippines at Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas na tumulong sa tamang information dissemination tungkol sa COVID-19 vaccine.
Kasama rin sa panawagan ang mga holder ng legislative broadcasting franchises na tumulong rin sa information drive.
Hiling nito na makapagbigay ng kahit 2 oras na libreng airtime para sa fact-based advertising nang maliwanagan ang lahat tungkol sa COVID-19 vaccine information.
Nanawagan dito sa mga miyembro ng Philippine Press Institute na mag-donate ng kahit dalawang full page advertising column kada linggo sa kanilang mga pahayagan bilang pakikiisa sa adhikain.
“We issue a similar appeal to the Members of the Philippine Press Institute to donate, allocate and prioritize at least two full pages worth of advertising column-inch space per week on their newspapers and magazines to join their broadcasting counterparts,” pahayag ni Garbin.
Ayon kay Garbin, malaki ang naidudulot na takot sa publiko sa bawat pagpapalaganap ng maling impormasyon.
Nanawagan din ito sa mga social media influencers, vloggers at bloggers na tumalima sa mga alintuntunin sa pagpapalaganap ng mga impormasyon tungkol sa mga bakuna.
“We ask all the vloggers, bloggers, and socmed influencers to adhere to media core principles and practices of truth-based, factual information-sharing especially about COVID-19 vaccines and the pandemic,” ayon kay Garbin.
Marami raw kasi ngayon ang nagkakalat ng maling impormasyon sa internet kung saan ginagawang news format ang pagpapalaganap ng fake news.
Giit nito, naglipana na ang mga trolls, hackers, bots at organized bashers online.
“Much of the disinformation spreads through forwarded messages containing false and malicious information and by entities which masquerade as “News/Media” when they are in fact trolls, hackers, bots, and organized bashers,” ani Garbin.
Sa huli, panawagan din nito na gamitin ang angkop na dialect kumporme sa rehiyon para mas maintindihan ng taumbayan ang paksa ng pagbabakuna.
Pati na ang paggamit ng standard sign language at Braille system sa PWDs ay ipinanawagan din.
“Lastly, we remind them of the necessity of communicating with the general public in Filipino, English, the regional languages, the dialects, standard sign language, and Braille, so that more of us can truly understand the messaging,” dagdag pa ni Garbin.