Libreng bakuna ipinamahagi sa mga senior citizen ng San Fernando, Pampanga

NAGSAGAWA ng libreng bakuna para sa mga senior citizen ang siyudad ng San Fernando, Pampanga ngayong araw.

Sa naging panayam ng SMNI News kay San Fernando, Pampanga City Health Officer Doctor Carlos Mercado nasa kabuuang 4,000 at 300 dosis ang ipinamahagi ng DOH sa kanila para sa libreng bakuna sa siyudad.

Sa ngayon, naka-iskedyul umano na bakunahan ng AstraZeneca ang nasa 8 hanggang 900 na senior citizen at 200 dosis naman ng Sinovac vaccines para sa 2nd dose ng mga frontliner para sa lungsod.

Inumpisahan ang vaccination program nang Marso 25 kung saan pang 20 batch na ang naisagawa ng lungsod.

Donasyon ang nasabing bakuna galing sa World Health Organization Covid vax na ipinamahagi ng libre para sa mga mamamayan ng lungsod ng San Fernando.

Kung noon umano ay takot ang tao na magpabakuna, sa ngayon ay kusa na umanong pumupunta ang mga tao sa kanilang tanggapan para magpabakuna.

Isa si Nanay Seth Gopez sa mga nakatanggap ng libreng bakuna galing sa gobyerno kung kaya lubos ang pasasalamat nito sa pamahalaan.

Samantala, tuloy-tuloy ang pagbabakuna sa lungsod kung saan inaasahang mauubos ang bakuna sa loob ng 6 na araw.

(BASAHIN: Oras sa pagbubukas sa mga public market sa Pampanga, pinaikli)

SMNI NEWS