NAGLAGAY ang Department of Tranportation (DOTr) Road Sector ng mga bicycle rack sa mga istasyon ng MRT-3 na magagamit nang libre ng mga pasahero.
Ito ay bilang pagsuporta ng ahensya sa ligtas na pagbiyahe sa pamamagitan ng pagbibisikleta.
Ayon sa MRT-3 management, maaaring magamit ng mga pasahero ng libre ang mga bike racks araw-araw, sa oras ng revenue hours ng MRT-3.
Ang isang bicycle rack ay kayang maglagay ng limang bisikleta.
Sinabi ni MRT-3 Director for Operations Michael Capati na magpapatuloy ang paglalagay ng mga karagdagang bike rack sa mga susunod na linggo.
Paalala naman ng pamunuan ng MRT-3 sa mga gagamitin ng bicycle rack na iwasan ang pag-iwan ng mga mahahalagang gamit.
Dagdag pa ng pangasiwaan na maging maingat sa tuwing gagamit nito dahil hindi pananagutan ng MRT-3 ang anumang bagay na mawawala o masisira.