Libreng Dialysis at No Balance Billing Program sa Misamis Occidental, handog ng LGU nito

Libreng Dialysis at No Balance Billing Program sa Misamis Occidental, handog ng LGU nito

MAS pinalawak pa ngayon ang serbisyong pangkalusugan sa lalawigan ng Misamis Occidental.

Ito’y matapos na buksan ang pinakabagong pasilidad ng Provincial Hospital ang kanilang bagong hemodialysis unit.

Sa ilalim ng programang No Balance Billing ng probinsiya, libreng makakabenepisyo ang mga residente sa mga pasilidad na ito partikular na sa mga pasyenteng may chronic kidney disease.

Bukod sa libreng pasilidad, tatanggap din ang mga benepisyaryo ng P3K kada buwan.

Para sa mga residente, malaking tulong ang nasabing serbisyo sa laki ng ibinabayad nila sa pagpapa-dialysis pero napagaan ito sa tulong ng bagong kagamitan.

“Ako po ay nagpapasalamat sa ating mahal na governor na binigyan niya kami ng ganitong libreng dialysis. Malaking tulong na rin samin kasi wala na kaming hanapbuhay, hindi makapagtrabaho nang maayos,” saad pa ni Jesbert Mag-usa, Patient, Stage 5, Chronic Kidney Disease.

Ayon kay Misamis Occidental Governor Henry Oaminal Sr., prayoridad ng kaniyang tanggapan ang de-kalidad na healthcare access at mga doktor na ‘di kinakailangang magbayad.

“With that high quality, among ipasiguro kaninyo nga kini nga gobyerno sa Provincial Government of Misamis Occidental, apil ang liderato sa 14 ka munisipyo ug 3 ka syudad, nga ang among pagserbisyo kaninyo kalidad na ug libre pa. Wala na kamo’y gasto nga bayran, bisan usa ka sentimo, kung kamo mga beneficiaries niining atong hemodialysis center. Sa mga beneficiaries, nagpasalamat ko sa inyong pagsalig. I-assure namo kutob sa among mahimo nga among buhaton ang tanan aron mapadayon ang inyong kinabuhi pinaagi sa paghatag kaninyo sa labing maayo nga healthcare,” saad ni Governor Henry Oaminal Sr., Misamis Occidental.

Bukas ang pasilidad mula sa 7 AM hanggang 11 PM na kayang maka-accommodate ng apat oras dialysis sessions sa 93 pasyente kada araw.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble