Libreng hotel quarantine, para lamang sa umuuwing OFWs

NILINAW ng Malacañang na hindi sasagutin ng pamahalaan ang hotel accommodation ng non-overseas Filipino workers (OFWs) sa ilalim ng bagong testing at quarantine protocol na ipinatutupad sa mga umuuwing Pinoy sa bansa.

Paglilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque, tanging mga umuuwing OFWs lamang ang bibigyan ng libreng akomodasyon sa accredited hotels para sa 5-day quarantine.

Gayunman, sasagutin aniya ng PhilHealth ang bayarin sa swab test ng mga balik-bayan na hindi OFW.

Magugunitang sa ilalim ng bagong protocol, otomatikong diretso ang mga balikbayan sa quarantine pagdating sa Pilipinas at isasalang sa swab test sa ika-anim na araw ng quarantine.

Kapag nagnegatibo sa swab results ay i-endorso na ito sa uuwing local government unit (LGU) upang kumpletuhin ang 14-day quarantine.

SMNI NEWS