MAGKAKAROON ng libreng laboratory testing para sa public school teachers ang Caloocan City.
Magsisimula ito sa Hunyo 13 at magiging available ito sa Caloocan City Medical Center at Caloocan City North Medical Center.
Saklaw ng laboratory test ang complete blood count, urinalysis at chest X-ray.
Tinatayang aabot sa 1.8-k na mga guro mula sa South at North Caloocan ang inaasahang makakabenepisyo ng programa.