BILANG bahagi ng programang e-panalo ang kinabukasan, namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng libreng mobile phone units sa limampung (50) benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program 4PS mula sa Navotas at Malabon, araw ng Martes.
Sa pakikipagtulungan ng Globe Telecom, Gcash, at G-Xchange, Inc. ginanap ang pamamahagi sa Navotas Sports Complex na layong isulong ang digital financial literacy sa mga pamilyang kabilang sa 4PS, lalo na sa mga nasa malalayong lugar.
Ayon kay 4PS national program manager Gemma Gabuya, mahalaga ang financial education at digital financial literacy para sa mga benepisyaryo ng programa.
“The 4PS strongly advocates the importance of financial education and digital financial literacy to its household-grantees, to encourage them to apply what they have learned from the family development sessions (FDS), the mobile phones that will be distributed will help our 4ps beneficiaries to access more opportunities in our financial system,” ayon kay Dir. Gemma Gabuya.
Samantala, aabot naman sa mahigit tatlumpu’t dalawang libo pamilyang benepisyaryo ng 4PS sa buong bansa ang makakatanggap ng libreng mobile devices lalo na sa mga taong nakatira sa geographically isolated and disadvantaged areas.