NAGPAKALAT ng dalawang mobile showers ang Valenzuela City para sa mga lugar ng lungsod na apektado ng water supply interruptions.
Nitong Abril 30 ay nasa Brgy. Gen T. De Leon at Parada ang mobile showers.
Ayon sa lokal na pamahalaan, lilibot naman ang mobile showers sa iba’t ibang barangay.
Hakbang ito ng Valenzuela upang maiwasan na magkaroon ng heat-related health problems ang kanilang mga residente sa gitna ng pawala-wala na water supply.