Libreng pagbabakuna, iniaalok sa private health facilities sa Klang Valley

Libreng pagbabakuna, iniaalok sa private health facilities sa Klang Valley

INAAALOK ang libreng pagbabakuna sa private health facilities sa Klang Valley.

Maaaring makatanggap ng libreng bakuna ang mga mamamayan sa Klang Valley sa pamamagitan ng mga private healthcare facilities.

Inanunsyo ng Ministry of Health (MOH) na maaari paring mabakunahan ng libre mula sa mga private health facilities maliban sa mga government health clinic ang mga indibidwal na naninirahan sa Klang Valley na hindi pa nabibigyan ng COVID-19 vaccination appointment o hindi pa nakakatanggap ng pangalawang doses ng bakuna.

Ayon sa MOH ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng isang vaccination booking program na nagsimula nitong Oktubre 11, sa 98 na mga napiling pribadong pasilidad sa ilalim ng Protecthealth Corporation Senderian Berhad.

Bukod pa rito ang naturang programa ay para sa nakatatandang populasyon na ngayon pa lamang nagparehistro at hindi pa nababakunahan.

Dagdag pa nito na ang Protect Health ay siya ring Healthcare scheme administrator para sa Peka B40, Electronic Service Provider (ESP) para sa mga foreign workers health insurance protection scheme at sa pagpapatupad ng mga Private Medical Practitioners at Health, Non-Govermental Organization (NGO) na lumahok sa natioanl COVID-19 immunization program.

Samantala, ang nasabing programa ay binuo ng Protecthealth upang mas mapabilis ang pag-access sa mga bakuna sa Selangor at Kuala Lumpur.

SMNI NEWS