Libreng PhilHealth enrollment para sa PWDs, ilulunsad ng Parañaque City

Libreng PhilHealth enrollment para sa PWDs, ilulunsad ng Parañaque City

MAGLULUNSAD ang Parañaque City ng libreng PhilHealth enrollment para sa mga persons with disabilities (PWDs).

Ayon kay Mayor Eric Olivarez, ang libreng PhilHealth enrollment ay bukas sa lahat ng PWDs na hindi pa miyembro ng PhilHealth kasama ang mga children with disabilities (CWD).

Isasagawa ang programa mula Hunyo hanggang Hulyo.

Sa mga gustong mag-apply, dalhin ang original at photocopy ng updated PWD ID, government-issued ID, Birth Certificate mula sa PSA, original at photocopy ng kanilang Certificate of Barangay Indigency.

Samantala, para naman sa mga CWD applicants, magdala ng dalawang sets ng original at photocopy ng kahit anong government ID ng magulang.

Sa mga katanungan at komento tungkol sa enrollment ay maaring tumawag sa Parañaque Health Plan Office sa numerong (8820-6721 o 8351-0527).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter