Libreng RFID installation, bubuksan sa Araneta City sa Enero 23 hanggang 31

MAGBUBUKAS ng libreng installation ng AutoSweep RFID stickers ang Araneta City simula sa Sabado, Enero 23 hanggang  Enero 31.

Isasagawa ang RFID installation sa Basement 2 ng Gateway Mall mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.

Tinatayang hanggang 250 stickers ang iisyu kada araw sa naturang panahon.

Kinakailangan lamang magpaload- ng initial 200 pesos ang mga motorista na nais magpakabit ng kanilang AutoSweep sticker.

Ang AutoSweep RFID ay ang sticker na ginagamit para sa cashless transaction sa tolls plaza ng Skyway, South Luzon Expressway, Ninoy Aquino International Airport Expressway, Southern Tagalog Aerial Road, Muntinlupa Cavite Expressway at Tarlac Pangasinan La Union Expressway.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.