Libreng Sakay, handog ng MRT-3 para sa mga solo parent sa Abril 20

Libreng Sakay, handog ng MRT-3 para sa mga solo parent sa Abril 20

BILANG pagdiriwang ng Solo Parents’ Day, maghahandog ng Libreng Sakay ang MRT-3 para sa mga single parent sa darating na Abril 20.

Ipapatupad ang Libreng Sakay sa peak hours ng operasyon ng linya, mula 7:00 am hanggang 9:00 am, at 5:00 pm hanggang 7:00 pm sa nasabing araw.

Kinakailangan lamang magpakita ng valid solo parent’s ID sa stations personnel upang makakuha ng Libreng Sakay.

“Saludo po ang MRT3 sa lahat ng solo parents na uboslakas na nagsasakripisyo upang maitaguyod ang kanilang mga anak. Hangad po namin na sa aming libreng sakay ay mapasaya namin sila sa kanilang espesyal na araw. Nawa po ay maipadama namin sa lahat ng solo parents ang aming paghanga at pagpapahalaga sa kanilang mga sakripisyo, saad ni Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter