Libreng sakay, ikakasa ng LRT-1 ngayong Independence Day

Libreng sakay, ikakasa ng LRT-1 ngayong Independence Day

MAY alok na libreng sakay ang Light Rail Manila Corporation sa Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ngayong Independence Day, Hunyo 12.

Maaaring ma-avail ang libreng sakay sa nasabing araw mula 7-9 am at 5–7 pm.

Ang mga pasaherong may beepTM card holder ay maaari nang dumaan sa karaniwang Automated Fare Collection System (AFCS) gates at i-tap ang kanilang mga card para sa libreng sakay.

Ang mga pasaherong wala namang beepTM ay maaaring makakuha ng mga single journey ticket nang libre mula sa LRT-1 teller booths.

Follow SMNI NEWS in Twitter