Libreng Sakay ng OVP higit isang milyong Pilipino ang nakabenepisyo mula Enero-Disyembre ng 2024

Libreng Sakay ng OVP higit isang milyong Pilipino ang nakabenepisyo mula Enero-Disyembre ng 2024

HIGIT isang milyong Pilipino ang nakabenepisyo sa programang Libreng Sakay ng Office of the Vice President (OVP) mula Enero hanggang Disyembre ng 2024.

Ayon sa tanggapan ni Vice President Sara Duterte, ang nasabing programa ay may layuning makapagbigay ng mas accessible, ligtas, at mabilis na transportasyon sa bawat Pilipino.

Sa kasalukuyan, mayroon nang siyam na OVP Libreng Sakay buses sa Metro Manila, NAIC, Cavite, Cebu, Bacolod, at Davao.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble