Libreng sakay ngayong Araw ng Kagitingan, handog ng MRT-3 at LRT-2

Libreng sakay ngayong Araw ng Kagitingan, handog ng MRT-3 at LRT-2

INANUNSIYO ng Manila Metro Rail Transit System Line 3 (MRT-3) nitong Lunes na magsisimula ang libreng sakay ng 7am-9am at 5pm-7pm sa peak hours ng tren.

Ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ay mag-aalok din ng libreng sakay sa publiko mula 7am-9am at 5pm-7pm.

Samantala, magpapatuloy ang libreng sakay sa MRT-3 at LRT-2 hanggang Abril 11 para sa mga beteranong sundalo.

Nauna nang idineklara ang Abril 9 para sa paggunita sa Araw ng Kagitingan at Miyerkules, Abril 10 bilang regular holiday bilang paggunita sa Eid’l Fitr o Feast of Ramadan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble