INILUNSAD ngayong araw ang libreng sakay sa mga dadalaw sa kani-kanilang mga mahal sa buhay na nasa New Bilibid Prison (NBP).
Ibig sabihin hindi na kailangan maglakad ang mga dadalaw ng ilang kilometro o mag arkila ng habal-habal ang mga dadalaw para marating ang lugar kung saan silang gusali bibisita sa kanilang mga mahal sa buhay na tinatawag na person deprived of liberty (PDL).
Ayon kay Correction superintendent Eduardo Alipit Jr. may tamang pick up at drop up points sa mga sasakay na dalaw.