Libreng sakay para sa military veterans, iniaalok ng MRT-3 at LRT-2 simula Biyernes

Libreng sakay para sa military veterans, iniaalok ng MRT-3 at LRT-2 simula Biyernes

MAGKAKAROON ng libreng sakay para sa mga military veteran ang Metro Rail Transit line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT)-2 ngayong Abril 5-11, 2024.

Bilang pakikiisa ito ng MRT-3 at LRT-2 sa paggunita ng Philippine Veterans Week at Araw ng Kagitingan.

Sinabi ng MRT-3 at LRT-2 na kailangang magpresenta ng ID ang isang military veteran para mabigyan ng libreng sakay.

Pinapahintulutan naman ang mga ito na magdala ng isang kasama para mailibre din sa sakay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble