NAG-aalok ng libreng sakay ang railway stations para sa mga Pilipinong marino ngayong araw, Hunyo 25, 2025.
Bilang pakikiisa ito sa pagdiriwang ng Day of the Filipino Seafarer.
Sa LRT-2, may libreng sakay mula:
- 7:00 AM – 9:00 AM
- 5:00 PM – 7:00 PM
At sa MRT-3: - Mulang 5:30 AM hanggang matapos ang operasyon.Pinapaalalahan ang lahat ng marino na ipakita lamang ang kanilang valid na Seafarer’s Record Book (SRB), Seafarer’s Identity Document (SID) o kaya’y Seafarer’s Identification Booklet (SIB) para maka-avail ng libreng sakay.