Libreng Sakay program ng DOTr, hiniling na pondohan sa 2023

Libreng Sakay program ng DOTr, hiniling na pondohan sa 2023

NANAWAGAN si Camarines Sur Rep. Lray Villafuerte sa Kongreso na pondohan ang Libreng Sakay program ng Department of Transportation (DOTr) sa 2023.

Panawagan ni Villafuerte sa Senado at Kamara na ipagpatuloy ang programa at magkasundo na hanapan ng pondo sa Bicameral Conference Committee hearing ng 2023 proposed national budget.

Nasa P10 million-P12 million kada araw ang ginagastos ng gobyerno para sa free bus rides sa kahabaan ng EDSA para sa kapakanan ng 300,000 pasahero na sana’y mapondohan ng administrasyon.

Nauna nang sinabi ng DOTr na hanggang ngayong Disyembre na lamang ang pondo ng Libreng Sakay program bagay na sana’y ikonsidera ng pamahalaan.

Nauna nang nagsuspinde ng Libreng Sakay ang LRT-2 ngayong buwan para sa free ride ng mga estudyante.

“I am making an 11th-hour appeal to the Senate and the House to exert their best effort to look for and realign funds when the Bicam deliberations start in December,”  saad ni Villafuerte.

Follow SMNI NEWS in Twitter