Libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, pinalawig ni Pangulong Marcos; Mga estudyante, may libreng sakay sa mga linya ng tren

Libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, pinalawig ni Pangulong Marcos; Mga estudyante, may libreng sakay sa mga linya ng tren

INAPRUBAHAN ni President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ngayong araw ang isang memorandum na isinumite ng Department of Transportation (DOTr) na magpapalawig sa libreng sakay sa EDSA Bus Carousel at free ride program para sa mga estudyante sa mga linya ng tren.

Ayon sa DOTr, extended ang free ride program sa EDSA Bus Carousel hanggang Disyembre 2022.

Dagdag ng ahensiya dahil may available pa na budget para sa Service Contracting sa ilalim ng General Appropriations 2022, inirekomenda ng DOTr sa Pangulo ang pagpapatuloy ng free ride program.

Simula naman sa Agosto 22, 2022, ilulunsad ang libreng sakay sa MRT-3, LRT-2 at PNR para sa mga estudyante kasabay ng pagsisimula ng face-to-face classes.

Tatagal ito hanggang Nobyembre 4, 2022.

Ayon sa DOTr, ang programang libreng sakay ay resulta mula sa pagpupulong nina Pangulong Marcos, DOTr Secretary Jaime J. Bautista at Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez sa Malacañang Palace.

Inaasahan na sa pagpapalawig ng free ride program ay makakatulong ito sa mga commuter sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at ng mga pangunahing bilihin.

BASAHIN: Ilang transport at agricultural groups, kontento sa plano ni PBBM sa pagbangon ng bansa

Follow SMNI News on Twitter