Libreng serbisyong medikal sa mga pasahero, handog ng LRTA at Red Cross

Libreng serbisyong medikal sa mga pasahero, handog ng LRTA at Red Cross

MAGSASAGAWA ng libreng sebisyong medikal ang Light Rail Transit Authority (LRTA) at Philippine Red Cross-Marikina Chapter sa mga pasahero ng LRT-2.

Ito ay isasagawa ngayong Miyerkules mula 8am – 5pm sa  LRT-2 Araneta Center-Cubao Station at Recto Station.

Kabilang sa mga serbisyong pangkalusugan na iniaalok ay libreng blood typing test, blood pressure checking, at random blood sugar test.

Ang naturang aktibidad ay bilang pakikiisa ng LRTA sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women.

Hinikayat naman ng pamunuan ng LRTA ang lahat ng mga pasahero, na makiisa sa kampanya ng Philippine Commission on Women para wakasan ang karahasan at diskriminasyon sa mga kababaihan.

Follow SMNI NEWS in Twitter