Libreng serbisyong pangkalusugan sa mga paaralan inilunsad ng DepEd

Libreng serbisyong pangkalusugan sa mga paaralan inilunsad ng DepEd

NAGSANIB-pwersa ang Department of Education at dalawang iba pa para maghatid ng mga pangunahing serbisyong pangkalusugan sa mga pampublikong paaralan.

Ang tinutukoy na dalawang katuwang na ahensiya ng DepEd ay ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Department of Health (DOH).

Tinatawag nilang Class+ o ‘clinics for learners’ access to school-health services plus’ ang serbisyong pangkalusugan na kanilang ilulunsad.

Layunin ng inisyatibong ito ang magbigay ng libreng konsultasyong medikal, laboratory tests, at preventive care sa mga mag-aaral at guro.

Samantala, target din ng DepEd at DOH na malabanan ang tumataas na kaso ng HIV sa kabataang Pilipino.

Batay sa datos ng DOH mula Enero–Marso 2025, madalas nasa edad 15–24 taong gulang ang nagkakasakit ng HIV.

Ito ang mga edad ng mga estudyante sa junior at senior high school.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble