Libreng sine para sa mga seniors, ibabalik sa Parañaque

Libreng sine para sa mga seniors, ibabalik sa Parañaque

IBABALIK na muli ng Parañaque City ang programang libreng sine para sa mga lolo at lola sa lungsod.

Ito ay matapos na tinalakay ni Parañaque City Mayor Eric L. Olivarez ang programa sa pagbisita ng ilang opisyales ng SM City Malls kasama si Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) Officer-in-Charge Ms. Leolinda V. Alcantara.

Maaari na muling makapanood nang libre ang mga senior citizens sa mga sinehan sa SM City Malls: SM City Bicutan, SM City BF, SM City Sucat at Ayala Malls Manila Bay tuwing Lunes at Martes.

Isa ang libreng sine na inisyatibo ni Mayor Olivarez para matulungan at mabigyan ng kasiyahan ang mga senior citizen maliban sa mga centenarian benefit, birthday cash gift, Christmas cash gift, libreng laboratory examination at bakuna, at ang pagtatayo ng wellness centers sa lungsod.

Alinsunod naman sa City Ordinance No. 2022-44 ang programa na naipasa ng Sangguniang Lungsod noong Oktubre 2022.

Follow SMNI NEWS in Twitter