Libreng swab test sa LSIs sa Manila North Harbor, ipinagkaloob ng PRC

Libreng swab test sa LSIs sa Manila North Harbor, ipinagkaloob ng PRC

SUMAILALIM ng libreng swab test ang nasa 102 locally stranded individuals (LSIs) na pansamantalang tumutuloy sa isa sa mga pasilidad ng Philippine Ports Authority o PPA sa Manila North Harbor sa pangunguna ng Philippine Red Cross.

 

Ito’y bilang tulong sa mga LSI na maiwasan ang pagkalat ng sakit na COVID-19 pauwi sa kanilang lugar o probinsiya.

 

Ayon sa maraming LSI, ikinatuwa nila ang pabor na ito dahil sa kakapusan sa budget para pambayad sa swab test, kahit papaano anila, ay nakatipid na sila sa gastos.

 

Bagama’t posible pang matagalan ang kanilang pag-uwi sa probinsiya dahil kailangan pang matiyak ang kanilang results mula sa nasabing test.

 

Samantala, matapos na pagsabihan ni Transport Secretary Arthur Tugade ang pamunuan ng PPA sa pagpapatira sa mga LSI, tiniyak ng ahensiya na magkakaroon ng maayos na higaan, at espasyo ang lahat ng mga naistranded na Indibidwal hanggang mamamayang gabi.

 

Kaugnay dito, personal ding nakiusap ang kalihim sa mga opisyal ng PPA na pagsabihan ang bawat pamilyang LSI na iwasan ang magdikit dikit dahil sa ipinatutupad na social distancing habang wala pang katiyakan ang kanilang pagbabalik-probinsya.

 

Bukod dito sa PPA Multipurpose Hall ng Manila North Harbor, patuloy din ang pagdatingan ng mga LSI mula sa ibat- ibang LGU sa Metro Manila na kasalukuyang nagpapalipas ng gabi sa Manila North Port.

 

Pinag-aaralan din ng Philippine Red Cross na isama ang mga ito sa libreng swab test para sa kanila.

 

POL MONTIBON

Leave a Reply

Your email address will not be published.