Libu-libong barangay workers sa Taguig na hindi sakop ng GSIS, inirehistro sa SSS 

Libu-libong barangay workers sa Taguig na hindi sakop ng GSIS, inirehistro sa SSS 

SIMULA nang maging contractual worker sa Taguig City Government bilang consultant noong 2020 hanggang sa naging kapitan ng barangay, walang natatanggap na anumang benepisyo si Jerome mula sa mga social insurer.

Kahit nagtra-trabaho sa gobyerno, hindi pasok si Jerome sa Government Service Insu­rance System (GSIS).

Ayon kasi sa batas, ang GSIS ay eksklusibong sumasaklaw lamang sa mga permanenteng empleyadong na nasa gobyerno.

“Noong 2020, hanggang 2023, wala akong contributions.”

“Previously mayroon akong work sa private company and then lumipat ako sa government sa Taguig City kaya lang during my stay sa Taguig since consultant lang ako doon, hindi ako entitle sa SSS or GSIS,” ayon kay Engr. Jerome San Pedro, Chairman, Barangay Napindan Taguig.

Isa si Jerome sa milyun-milyong barangay worker sa Pilipinas ang hindi sakop ng GSIS  dahil sa kawalan ng “employee-employer relationship” o ‘yung mga nasa kategorya ng job orders o contract of service.

“They are left out. Pero nagtatrabaho naman iyan, kumikita iyan. So, the SSS entered the scene to provide social security for these classes of workers na na-left out. So, we are giving them social security as self-employed workers in the government,” saad ni Voltaire Agas, Executive Vice President, SSS – Branch Operations Sector.

Kaya nitong araw ng Martes, tumungo ang Social Security System (SSS) sa Taguig para irehistro ang mga nasa higit apat na libong opisyal at miyembro ng Sangguniang Kabataan at barangay workers.

Lumagda sa memorandum of agreement ang SSS, SK Federation, at ilang barangay ng Taguig para mabigyan ng social security protection ang mga libu-libong tauhan ng mga barangay.

Sa pamamagitan ng kaSSSangga Collect Prog­­ram, ang mga job order at contractual worker ay irerehistro bilang “self-employed” members.

Ang mismong barangay naman ang siyang mangongolekta ng buwanang kontribusyon.

Dahil dito maaari na silang makinabang sa mga benepisyo at programa ng social insurer gaya ng maternity benefit, sickness benefit, disability benefit, unemployment benefit, at pension.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble