Libu-libong bilang ng Marcos supporters, nagsagawa ng motorcade sa Ilocos Sur

Libu-libong bilang ng Marcos supporters, nagsagawa ng motorcade sa Ilocos Sur

LIBU-libong supporters ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nakiisa sa isang motorcade sa Ilocos Sur, kahapon linggo ng umaga.

Ang nasabing motorcade ay nagpapakita ng solidong suporta ng libu-libong motorista para sa kandidatura ni dating Senador Bong Bong Marcos bilang susunod na pangulo ng bansa sa May  2022 elections.

Makikita sa mga kuhang video ang halos hindi mahulugang karayom na pila ng mga sasakyan sa Ilocos Sur para ipanawagan ang tuloy tuloy na pagtakbo ni Bongbong Marcos sa susunod na halalan.

Kitang-kita na tila nagkulay dugo ang ilang pangunahing daan sa Ilocos Sur dahil sa mga suot na pulang t-shirt ng mga supporters ni BBM kasabay ng pagwawagayway ng pulang flag, lobo at pagbusina sa daan.

Samantala, sa pamamagitan ng kanyang official social media account na Facebook, personal na nagpasalamat ang dating senador sa mga tagasuporta nito partikular na sa pakikiisa ng mga ito sa mitihiin nito para sa bansa

“Maraming salamat sa lahat ng nag-organisa at lumahok sa mga caravan at motorcade na isinagawa sa iba’t ibang dako ng bansa,” pahayag ni Marcos.

“Lubos akong nagagalak sa inyong pagpapakita ng suporta at pakikiisa sa ating mithiin!”

Matatandaang, nananawagan ang kampo ni Bongbong Marcos ng pagkakaisa ng lahat sa halip na mag-away.

Naunang tumanggap ng iba’t ibang batikos si Marcos mula sa mga kritiko nito sa politika ngunit nananatiling kalmado ang dating senador at tila ayaw patulan ang mga isyu laban sa kanya.

Isa sa pinakahuling isyu nito ang mungkahing pagpapadiskwalipika sa kanya ng grupo ng sinasabing humang rights victims sa panahon ng kanyang ama na si Ferdinand Marcos Sr.

Pero nauna na ring sinabi ng Comelec na wala itong sapat na basehan upang ipawalang saysay ang kandidatura nito para sa May 2022 elections.

BASAHIN: Kaso laban kay Marcos, walang basehan ayon sa Comelec

Ayon pa sa maraming mga tagasuporta ng dating senador, patikim palang nila ito sa mas malaki at mas malawak na pagpapakita ng suporta kay BBM sa buong bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.