Libu-libong job seeker, dinagsa ang Overseas Mega Job Fair ng DMW

Libu-libong job seeker, dinagsa ang Overseas Mega Job Fair ng DMW

DINAGSA ng mga job seeker ang isinagawang Overseas Mega Job Fair ng Department of Migrant Workers (DMW) sa lungsod ng Mandaluyong araw ng Lunes kasabay ng ika-125 anibersaryo ng kalayaan ng bansa.

Nasa kabuuang 40 na mga licensed recruitment agency kasama na ang 8 manning agency ang nakilahok sa nasabing jobs fair.

Maaga pa lang at kahit umuulan ay dagsa na ng mga job seeker ang gusali ng DMW.

Higit 11-libong trabaho ang iniaalok sa isinagawang Overseas Mega Jobs Fairs.

Kabilang si Jaymark ang first time na sinubukang mag-apply ng trabaho abroad para sa kaniyang pamilya.

Si Presie naman kahit nakapag trabaho na bilang OFW sa Qatar ay gusto naman niyang maranasan ang trabaho sa Middle East.

Si Jeric na dating sea based ay magbabakasali naman magtrabaho-land based.

Sa kasalukuyan, ang trabaho niya bilang isang waiter ang ina-aplayang trabaho sa ibang bansa.

Pero si Kuya Maximo, kahit 65 na ang edad  ay naniniwala pa rin na makakapagtrabaho pa rin ito ng abroad.

Dahilan niya, binabase ito sa naging karanasan niya lalo na naging supervisor siya sa isang construction company sa Middle East at 30 taon na rin siyang naging OFW.

Ayon naman kay DMW Secretary Susan Ople, depende pa rin sa skilled ng trabaho at karanasan ang hinahanap ng isang employer

Paliwanag naman ni Asec. Levinson Alcantara, may mga proseso pang dadaanan ang mga aplikante at walang on-the spot na mahi-hire

May paalala rin si Usec. Berbnard Olalia sa mga agency na naniningil ng placement fees.

DMW Online Jobs Fair, ilulunsad na sa Hulyo

Samantala inanunsiyo naman ng kalihim ang paglulunsad ng regular na DMW Online Jobs Fair na isasagawa simula sa Hulyo 7, 2023 Biyernes.

Ito’y upang mailayo sa paglilinlang ang nais mag-apply ng trabaho sa abroad at tapatan ang mga illegal recruiters online.

Ang online jobs fair ng DMW ay gagawin tuwing Biyernes o dalawang beses sa isang buwan.

Bukod sa Mandaluyong, isinagawa rin ang Overseas Mega jobs Fairs ng DMW nationwide.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter