Libu-libong patalim at mga kontrabando, nakumpiska sa Bilibid

Libu-libong patalim at mga kontrabando, nakumpiska sa Bilibid

MULING nagsagawa ng ‘Operation Galugad’ ang Bureau of Corrections (BuCor) sa New Bilibid Prison bilang tugon sa mga haka-hakang may ipinupuslit umano sa loob ng Maximum Security Compound na mga kotrabando.

Tumagal ng higit sa tatlong oras ang ginawang inspeksyon mula sa tatlong Brigada na umano’y itinuturo na mayroong kontrabando.

Sa Brigada o Building 11 kung saan mga purong Intsik ang nakakulong ang pinakamaraming nakunan ng mga kontrabando gaya ng DVD player, alak, tabako at iba pa.

Ayon sa spokesperson ng BuCor na si Asec. Gabriel Chaclag, dobleng paghihigpit at pagdidisiplina ang kanilang pinanghahawakan para mapanatili ang kapayapaan sa loob ng Maximum Security Compound.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter