NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) ang mga puslit na imported rice mula sa Myanmar, Pakistan, at Thailand sa isang warehouse sa Bocaue, Bulacan.
Sa ulat ng BOC, libu-libong mga sako ang kanilang kinumpiska na katumbas ng kabuuang halaga na P500M.
Sa ngayon ay nakasarado na ang warehouse at isang imbestigasyon ang ikinasa ng BOC hinggil dito.
Nitong Lunes, Disyembre 16, 2024 isinagawa ng mga awtoridad ang naturang operasyon.