Libu-libong nagkakaisang boses sa ika-2 araw ng 7-day Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally

Libu-libong nagkakaisang boses sa ika-2 araw ng 7-day Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally

LIBU-libong nagkakaisang Pilipino ang sumisigaw ng iba’t ibang hinaing sa Marcos Jr. admin.

Walang takot at punong-puno ng energy ang lahat na naroon sa ika-2 araw ng 7-day Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.

Ipinapaabot kay PBBM na hindi na maganda ang nangyayari sa bansa.

Pag-asa, pagbabago, hustisya, kahirapan, droga, kurapsiyon ang isinisigaw.

Sa kabila nito, ito ang rally na may galak sa bawat puso ng mga Pilipino sa paniniwalang may pag-asa pa kapag nagkaisa ang lahat anuman ang relihiyon o estado sa buhay.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter